Phone

(773) 739-0992

Email

info@contemporarywellness.org

Jelome Shine Carlos MSW,LSW
  • Master sa Agham ng Panlipunang Gawain
  • Lisensyadong Manggagawang Panlipunan

Kung ikaw ay nakakaramdam ng pagka-stuck, nalilito, may labis na pag-alala, o naghahanap ka ng mas malalim na koneksyon sa iyong sarili, nag-aalok ako ng isang mapanghunaya at ligtas na lugar kung saan pwede mong malayang tuklasin at matutunan ang iyong mga damdamin at harapin ang mga hamon sa buhay nang may suporta. Naniniwala ako na walang sinuman ang dapat na mag-isang harapin ang mga pagsubok ng buhay, at dedikado akong tulungan kang tanggapin ang iyong mga nakaraang karanasan, yakapin ang iyong mga pagsubok, at palakasin ang iyong sarili upang makating ang buhay na nais mo – habang mas nauunawaan mo ang iyong mga kilos at emosyon. 

Dahil mahalaga ang maagang paggabay at interbensyon upang matulungan ang mga batang isipan na umunlad, nagbibigay ako ng child therapy upang matulungan silang magkaroon ng bilib sa sarili, makontrol ang kanilang emosyon, at matutong humarap sa problema sa pamamagitan ng paraan na mapaglaro, malikhain, at angkop sa kanilang edad. 

Ang aking paraan ay depende sa bawa’t tao at pinagsasama ang iba’t ibang epektibong pamamaraan tulad ng Cognitive Behavioral Therapy (CBT), Dialectical Behavior Therapy (DBT) skills, trauma-informed care, at mga malikhaing paraan upang makatulong sa pang-unawa sa sarili at personal na pag-unlad. 

Nauunawaan at naiintindihan ko na mahirap humingi ng tulong sa iba, at nagpapasalamat ako na handa kang gawin ang hakbang na ito. Ikinararangal kong pakinggan ang iyong kwento. 

Maaari kayong mag-email sa amin sa Tagalog.